LEGAZPI CITY- ikinatuwa ng grupo ng mga nurse ang pagpapalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ng nasa P1.8 bilyon na pondo para sa benipisyo ng mga health care workers at non-health workers na na tinamaan ng COVID 19 habang nasa serbisyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Melvin Miranda ang Presidente ng Philippine Nurses Association (PNA), base sa ipinalabas na anunsyo ng gobyerno, nasa P15,000 ang matatanggap ng mga nakaranas ng mild to moderate symptoms ng COVID 19 habang P100,000 naman para sa mga critical cases.

Malaking tulong na umano ito para sa mga nagtatrabaho sa ospital subalit hindi pa rin malinaw kung papano ang pagbibigay nito.

Base sa tala ng PNA, wala pa naman na naiuulat na critical case ng COVID 19 sa mga nurses sa bansa at karamihan sa mga ito ay mild symptoms lamang dahil na rin sa kompletong bakuna.

Subalit nasa 49 naman na mga nurse ang binawian na ng buhay dahil sa nakakahawang sakit na pawang nabigyan naman ng benipisyo ang mga nawang pamilya.