Spotted ang aktor na si David Licauco kasama ang kanyang real-life girlfriend sa Bonifacio, Global City o BGC sa Taguig City.

Sa post sa social media, isang netizen ang nagshare ng video ng Pambansang Ginoo kasama ang isang babae.

Agad naman na nag-imbestiga ang mga netizens at inalam kung sino ang babaeng ito.

Dito na napag-alaman na Kisen Hizon ang pangalan ng sinasabing nobya ni David.

Matatandaan na una ng kinumpirma ni David na mayroon na siyang girlfriend subalit hindi muna ito nagbigay ng pangalan.