Sinibi ni dating US President Donald Trump na nasa maayos na kalagayan na siya matapos ang nangyaring kaguluhan sa rally nito sa Butler, Pennsylvania.

Sa isang pahayag, positibong kinumpirma ni Trump na binaril siya.

‘I was shot. I knew immediately that something was wrong in that I heard a whizzing sound, shots and immediately felt the bullet ripping through the skin. Much bleeding took place, so I realized then what was happening. God Bless America!,” ayon sa statement ni Trump.

Matatandaan na sa kasagsagan ng pagsasalita nito sa harap ng kaniyang mga supporters ay umalingawngaw ang malakas na mga tunog hanggang sa agad naprinotektahan ang Republican frontrunner ng kaniyang mga secret service agents.

Agad naman itong naitakbo sa pagamutan matapos madaplisan sa kanyang tenga.

Subalit sa kasalukuyan ay patuloy pang iniimbestigahan ang insidente matapos mai-ulat na may nasawi sa mga dumalo sa naturang campaign rally.