Personal na isinampa ni dating Senator Antonio Trillanes IV ang kasong reklamong plunder sa Department of Justice laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go.
Aniya, may kaugnayan ito sa ilang mga government projects na nagkakahalaga ng P6.6 billion na in-award sa ama at kapatid ni Bong Go.
Malinaw umano na plunder ang ginawa ng dalawa noong nanunungkulan pa si Duterte bilang pangulo ng bansa.
Ng matanong naman kung bakit sa Department of Justice isinampa ang kaso, sinabi ni Trillanes na may mas access ang tanggapan sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang makumpirma ang naturang kaso kumpara sa Office of the Ombudsman.