Kinumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na pinalaya si dating Negros Oriental Congressman Arnie Teves mula sa house arrest sa Timor Leste.
Sa kabila ng paglaya ng dating mambabatas ay naglatag umano ng ilang kondisyon kabilang na ang regular na pagre-report nito sa court officer at asegurasyon na hindi ito aalis ng Timor Leste habang pending pa ang kinakaharap nitong extradition case.
Matatandaan kasi na tinukoy si Teves na nasa likod umano ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga indibidwal noong Marso 2024.
Setyembre naman noong 2023 ay namataan ito sa Timor-Leste.
Sa kasalukuyan at patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan ng Pilipinas sa Timor-Leste government para sa pagnanais nito na mapauwi sa bansa si Teves, na itinuturing ngayon bolang isang terirista.