Naaresto na ng mga awtoridad si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves sa Dumaguete City sa kasong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Law.
Nabatid na kasama si Teves sa listahan ng Most Wanted Persons sa provincial at regional level.
Nasa P200,000 ang inirekomenda na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Si Pryde Henry ang kapatid ni dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves Jr. na itinuturong mastermind sa pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo.