LEGAZPI CITY – Posibleng maisama sa areas of concern sa papalapit na eleksyon ang Daraga, Albay depende sa magiging takbo ng isinasagawang imbestigasyon ng PNP.
Ito ay kasunod ng pagkakadiskobre ng bangkay nina incumbent Municipal Councilor Helen Garay, Karen Averilla at Xavier Mirasol na pawang tatakbo bilang local officials sa Sorsogon sa loob ng ukay-ukay sa Brgy. Busay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Elections Supervisor Atty. Maria Aurea Bo-Bunao, inaantay pa umano ng COMELEC ang magiging desisyon ng PNP kung election related ang pagkamatay ng mga biktima at kung ilalagay bilang election hot spot ang lugar.
Ipapalabas na lamang ito ng Commission en banc sa ikatlong linggo ng Nobyembre kasabay ng panibagong resolusyon para sa 2022 elections.
Nabatid na itinuturong suspek sa krimen si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na pinaka-huli umanong nakausap ng mga biktima bago ito natakpuang wala ng buhay.