LEGAZPI CITY – Muling magtutulungan ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Bureau of Jail Managment and Penology (BJMP) upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural para sa mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bicol.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DAR Bicol Assistant Regional Director for Administration Rodrigo Realubit, sa ilalim ng renewal partnership magkakaroon na ng long-term buyers ng kanilang mga agricultural products ang mga agrarian reform beneficiaries na mga magsasaka.

Maliban sa BJMP, mayroon pa na ilang institusyon tulad ng mga ospital na planong bilhin ang mga aning produkto ng mga magsasaka.

Ayon kay Realubit, malaking tulong ang naturang hakbang para sa mga magsasaka dahil mabilis na maibebenta ang kanilang mga produkto.

Sa pamamagitan nito mas marami na ang mahihikayat na magtanim dahil mayroon ng long-term buyers.

Dahil dito, ayon sa opisyal na maliban sa steady supply ng agricultural products para sa mga PDLs makakatulong din ang hakbang na mapanatili ang food security ng bansa.