LEGAZPI CITY- Natupok ng apoy ang dalawang classrooms sa Calatagan Elementary School sa Barangay Calatagan Proper, Virac, Catanduanes.
Ayon kay Virac Bureau of Fire Protection Community Relation Unit Chief Fire Officer 2 Jorge De Leon sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naitaas sa first alarm ang naturang sunog.
Nabatid na agad naman itong nai-report sa mga kinauukulan subalit may kalayuan ang distansya ng pinangyarihan ng insidente.
Nasa 30 minuto umano ang inabot bago tuluyang naapula ang apoy.
Ipinagpapasalamat na lamang ng opisyal na walang mga sibilyan na nasaktan sa insidente.
Nabatid na totally burnt ang naturang mga classrooms at mga gamit sa loob nito.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ay ang problema sa electrical ang isa sa mga tinitingnan na dahilan ng sunog habang inaalam naman kung may napabayaan na nakabukas na mga appliances.
Sa kasalukuyan umano ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan.