LEGAZPI CITY –Pinangunahan ni Regional Director Edgar T. Jubay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang isinagawang deklarasyon bilang ‘drug-cleared’ ng karagdagang dalawang barangay sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes.
Ito ay kinabibilangan ng barangay Sta. Elena at San Isidro ng nabanggit na bayan.
Batay sa tala ng ahensya, tanging ang barangay Concepcion at Palnab del Norte na lamang ang sa kasalukuyang nakasalang sa balidasyon upang mapabilang sa deklarasyon na target umano bago matapos ang taong 2024.
Samantala, nasa kabuuang 37 na mga barangay mula sa lalawigan ng Camarines Sur at Sorsogon ang sumalang sa delibarasyon ngayong buwan at naideklara ring drug-free.
Kung maalala, batay na rin sa tala ng Police Regional Office Bicol, sa kabuuang 3, 471 na mga barangay sa rehiyon, 678 nito ay hindi umano drug-affected.
Paalala na lamang nito na palakasin ng Barangay Anti-illegal Drug Campaign o BADAC ang kampanya kontra iligal na droga.