LEGAZPI CITY- Binawian ng buhay ang dalawang indibidwal matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay Rawis, Legazpi City.

Ayon kay Legazpi City Fire Station chief operation Senior Fire Officer 4 Garry Santander sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nasa kasagsagan ng mga pag-ulan sa lungsod kagabi ng makatanggap sila ng tawag na may nangyayaring sunog sa isang residential house sa lugar.

Agad naman na rumespunde ang mga otoridad upang apulahin ang naturang sunog.

Subalit ayon sa opisyal na nadiskubre nila ang dalawang biktima na wala ng buhay matapos maideklarang fire out ang insidente.

Ayon sa opisyal na tinitingnan na posibleng nakalanghap na ng usok ang dalawang biktima habang natutulog kaya hindi agad nakalabas sa gusali.

Samantala, ayon kan Santander na iniimbestigahan pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng naturang sunog.

Nabatid na ngayong 2025 ay nakapagtala na ng apat na fire incidents sa lungsod kung saan tatlo ang naitalang casualties.