LEGAZPI CITY- Naaresto ng mga otoridad ang dalawang indibidwal, kabilang na ang isang 14-anyos na binatilyo dahil sa shoplifting sa isang mall sa Barangay Dinagaan, Legazpi City.
Ayon kay Police Executive Master Sergeant Carlos Paña, Chief Investigator ng Legazpi City Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kasama ng naturang suspek ang isa pang 18-anyos na lalaki.
Ang naturang menor de edad umano ang karaniwang ginagamit sa mga pagnanakaw.
Ayon sa opisyal na desidido naman ang pamunuan ng naturang mall na magsampa ng kaso.
Nabatid na nagiging habitual na umano ang pag-shop lift at pagnanakaw ng naturang menor de edad sa lungsod.
Kwento ni Paña na matapos ang magsisilbi nito sa minimum period ng pagkakakulong ay muling bumabalik sa iligal na gawain.
Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na ang kapulisan sa Department of Social Welfare and Development para sa disposisyon nito.
Inaalam rin kung benepisyaryo ang suspek ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at irerekumenda umanong tanggalin ito sa programa dahil sa karaniwang nasasangkot sa mga iligalalidad.
Samantala, iginiit ng opisyal ang responsibilidad ng mga magurang sa paggabay sa kanilang mga anak.