
LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng isang Pilipinong nakabase sa Australia ang insidente kung saan nakatanggap ng “boo” si Prime Minister Anthony Albanese sa isinagawang moment of silence para sa mga biktima ng pamamaril sa Bondi beach.
Ayon kay Bombo International News Correspondent in Australia Denmark Suede sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ay dahil hindi dumalo o bumisita ang Punong Ministro sa alinman sa burol ng mga biktima.
Karamihan umano sa mga dumalo at personal na nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima na nasa gobyerno ng nasabing bansa ay ang oposisyon na lalong nagpalala sa pagbaba ng kanyang rating.
Binigyang-diin niya na bago pa man ang pamamaril, nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang Jewish community at ang Prime Minister.
Sinabi ni Suede na mas hinigpitan ang seguridad sa Australia kasunod ng insidente kung saan may isang taong naaresto sa aktibidad dahil lang sa pagtatangkang lumapit sa Punong Ministro ngunit pinalaya naman ito pagkalipas ng ilang oras.










