wage increase in Bicol
wage increase in Bicol

LEGAZPI CITY- Inanunsyo ng National Wages and Productivity Commission na aprubado na ang dagdag na sahod para sa mga manggagawa sa Bicol region.

Ayon sa tanggapan na nasa P40 ang magiging dagdag sa daily minimum wage sa rehiyon.

Mahahati naman sa dalawang tranches ang naturang wage increase.

Ang paunang P20 na karagdagang sahod ay magigin epektibo sa Abril 5, 2025 habang ang ika-lawang tranche naman ay maibibigay sa Disyembre 1 sa kasalukuyang taon.

Dahil dito ay tataas na sa P435 ang arawang sahod sa Bicol mula sa kasalukuyang P395.