LEGAZPI CITY- Nasa 15,000 na mga last minute registrants ang naitala sa rehiyong Bicol sa huling araw ng voter’s registration.
Ayon kay Commision on Elections Bicol Director Atty. Jane Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na inaasagan na madaragdagan pa ang naturang bilang dahil mag mga tanggapan pa ang inabot na ng gabi sa pag-accomodate ng mga registrants.
Sa kabilang banda, sinabi ng opisyal na nakaganda na ang mga Comelec offices sa pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy ngayong araw.
Inaasahan kasi na maghahain na ng kandidatura ang ilang malalaking personalidad sa unang araw ng COC filing.
Siniguro naman ni Valeza na nakahanda na ang ilalatag na seguridad dahil nakipag ugnayan na sila sa mga law enforcement agencies partikular na sa Philippine National Police.
Samantala, kasama pa sa mga pinaghahandaan ng ahesya ay ang training para sa mga magsisilbi bilang electoral board.
Nabatid kasi na kailangan ng nasa 20,000 na personnel para sa electoral board sa rehiyong Bicol.