LEGAZPI CITY – Nakapagdevelop ang Department of Agriculture ng drones na maaaring magamit sa pagtatanim ng mga magsasaka.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lorenzo Alvina ang Regional Technical Director for Research ng Department of Agriculture Bicol, nasa dalawang taon na rin na nasa development ang kanilang farm drones na nasa testing stage na.
Maaari itong magamit para sa pagsasaboy ng mga binhi o pag-spray ng pataba sa ekta-ektaryang taniman.
Kayang lumipad ng drone ng 15 hanggang 30 minuto kung saan maaari na itong magamit sa isang ektaryang taniman.
Ayon kay Alvina, maliban sa mas mabilis kung gagamit ng farm drones, mas ligtas rin ito lalo na sa pag-spray ng pesticides na posibleng makasama sa kalusugan ng tao.
Sa ngayon pinagpaplanohan na ng ahensya ang pagpapagamit ng drones sa mga magsasaka