Tumanggi na magkomento ang mga Czech authorities hinggil sa umanoy pagkakakulong ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co.
Matatandaan na una ng inihayag na dinakip sa Czech Republic ang dating mambabatas matapos umanong maharang sa German border.
Ayon kay Colonel PhDr. Ondrej Moravcík, head ng Press Department ng Police of the Czech Republic, hindi umano maaaring magbigay ng impormasyon ang kapulisan hinggil sa anumang partikular na kaso.
Tanging ang Czech Ministry of Justice lamang umano ang maaaring magkomento sa kaso.











