LEGAZPI CITY – Nagbabala ang isang information technology specialist sa mga Pilipino na magdoble ingat laban sa dumadaming insidente ng panghahack sa Pilipinas.

Kasunod ito ng naiulat na panghahack sa mga websites at social media accounts ng ilang mga ahensya ng gobyerno.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lancelot Oleriana sarong Information technology at cyber security expert, kagaya ng ibang mga nasyun, matagal ng problema sa Pilipinas ang pag-atake ng mga hackers na nagnanakaw ng mga data at komukontrol sa mga online accounts ng ibang personalidad.

Paliwanag ni Oleriana na may dalawang dahilan kung kaya ginagawa ang cyber attack, posibleng dahil sa politika kung may galit sa gobyerno ang mga hackers, o posibleng dahil sa pera.

Naibebenta rin kasi ang mga nanakaw na data sa black market na in-demand para sa mga taong sangkot sa mga iligal na kalakaran kagaya ng scams.

Panawagan ng eksperto sa mga Pilipino na maging matalino sa paggamit ng social media, huwag basta bastang pipindot sa mga link at agad na ireport sa mga awtoridad sakaling mabiktima ng mga hackers.