Suspect in shooting incident in San Jose National High School

Kinumpirma ng Police Regional Office 8 (PRO 8) na nakapaghain na ng criminal complaint laban sa 15-anyos na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Matatandaan na ang nangyaring pamamaril sa San Jose National High School nitong Hunyo 22 ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong biktima.

Sa isang panayam, sinabi ni PRO 8 Public Information Office chief Police Lieutenant Colonel Analiza Armeza na naihain na ang naturang reklamo laban sa child in conflict with the law kasunod ng madugong insidente.

Samantala, maliban sa bullying ay tinitingnan rin ngayon ng mga otoridad ang iba pang anggulo at motibo sa naturang insidente.

Matatandaan na nasa kustodiya rin ngayon ng mga kinauukulan ang isa pang 14-anyos na suspek sa naturang shooting incident.