LEGAZPI CITY- Naitala ang 25 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Bicol.
Pumalo na sa 2,155 ang kabuuang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon kung saan 299 ang aktibong kaso.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH) Bicol, mula sa Legazpi City ang dalawang bagong kaso habang tatlo naman sa Tiwi, Albay.
Nasa 11 ang nagpositibo sa Camarines Sur kung saan apat ay mula sa Calabanga, tatlo sa Naga City, dalawa sa Tigaon, isa sa Nabua at isa sa Pili.
Walong katao naman ang nadagdag sa COVID-19 cases sa Sorsogon kabilang na ang lima sa lungsod ng Sorsogon, dalawa sa bayan ng Irosin at isa sa Bulan.
Sa Catanduanes, isa rin ang nagpositibo sa bayan ng Virac.
Samantala, nadagdagan ng 11 ang nagnegatibo na sa COVID-19 kaya’t nasa 1, 762 na ang total recoveries.
Sumampa na rin sa 94 ang COVID-deaths dahil sa isang nasawi mula sa Naga City.