LEGAZPI CITY – Sumampa na sa 2,306 ang kabuuang nakumpirma na positibo sa coronavirus disease sa Bicol.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health Center for Health and Development (DOH-CHD) Bicol, nasa 355 na ang aktibong kaso matapos na madagdagan ng 29 na panibagong nagpositibo.
Tatlo sa bayan ng Tiwi, dalawa sa Malinao at isa sa Guinobatan ang latest cases sa Albay.
Nadagdagan naman ng walong bagong kaso ang Camarines Norte habang walo rin sa Camarines Sur.
Sa Pandan, Catanduanes, nagpositibo rin ang isang indibidwal habang anim ang nadagdag sa Sorsogon na mula sa capital city at mga bayan ng Bulan, Castilla at Juban.
Wala namang panibagong kaso na nadagdag sa Masbate.
Samantala, 22 ang mga naibilang sa mga panibagong gumaling kaya’t umakyat na sa 1, 852 ang total recoveries.
Nananatili naman sa 99 ang mga nasawi na nabatid na positibo sa COVID-19.