Umakyat sa 235 ang mga panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa Bicol batay sa latest data ng Department of Health (DOH) regional office 5.
Dahil dito, nasa 12,336 na ang total confirmed cases kung saan 4, 041 ang aktibo.
Matapos ang muling pagsailalim sa General Community Quarantine sa Legazpi City at Daraga muling nakapagtala ng mga bagong kaso ang mga ito.
Nasa 73 ang naitalang bagong kaso sa Albay kung saan 16 sa mga ito ang mula sa Legazpi City, 12 sa Daraga, walo sa Ligao City, walo sa Pioduran, walo sa Sto. Domingo, pito sa Libon, apat sa Guinobatan, tatlo sa Manito, tatlo sa Tabaco City, dalawa sa Bacacay at tig-isa sa Camalig at Polangui.
May 46 naman na naitala sa Camarines Norte, 97 sa Camarines Sur at 19 sa Sorsogon.
Samantala nadagdagan ng 51 ang mga gumaling na sa COVID-19 na ngayon ay 7, 886 na sa kabuuan.
Lima naman ang nadagdag sa COVID-related deaths na nasa 409 na sa kasalukuyan.