LEGAZPI CITY – Nadagdagan ng 19 na panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang Bicol sa mga nakalipas na oras.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Bicol, umakyat na sa 3,034 ang kabuuang bilang ng nakumpirmang kaso sa rehiyon kung saan 477 ang aktibong kaso.

Mula sa Albay ang limang panibagong nadagdag sa bilang kung saan tatlo sa Tabaco City, isa sa Legazpi at isa sa Jovellar.

Walo naman ang nadagdag sa Camarines Sur at apat sa Sorsogon kung dalawa mula sa lungsod nito, isa sa Casiguran at Matnog.

Matapos naman ng ilang araw na walang nagpositibo sa virus, nakapagtala ng dalawang kaso ang Virac.

Samantala, may 44 na panibagong naka-recover kaya’t nasa 2, 426 na ang total recoveries.

Nananatili naman sa 131 ang bilang ng mga nasawi sa Bicol na COVID-19 positive.