LEGAZPI CITY – Sampung panibagong nagpositibo sa COVID-19 ang naitala sa Bicol, batay sa tala ng Department of Health Center for Health and Development (DOH-CHD).
Kaugnay nito, sumampa na rin sa 2,961 ang kabuuang nakumpirmang kaso sa rehiyon kung saan nasa 514 sa mga ito ang aktibo.
Kabilang sa mga nakapagtala ng mga bagong kaso ang Albay kung saan isa ay mula sa Legazpi City at isa rin sa Polangui.
Pito naman ang nadagdag sa Camarines Sur at isa sa Magallanes, Sorsogon.
Walang panibagong recoveries na naitala kaya’t nananatili ang bilang sa 2, 322.
Dumagdag naman sa COVID-19 death toll sa Bicol ang isa na mula sa Albay na dahilan upang umakyat na ang kasalukuyang datos sa 125.
Napag-alaman na sa 153 na test results na natanggap ng ahensya sa mga subnational laboratories, 141 sa mga ito ang negatibo sa virus.