Inihayag ng mga doktor ni US President Joe Biden na bumubuti na ang kalagayan nito, kahit pa nakakaranas pa rin ng mga mild symptoms ng COVID-19.

Sa kasalukuyan aniya ay patuloy pa ring ginagampanan ng pangulo ang kaniyang tungkulin.

Stable na rin umano ang temperatura at kondisyon ng baga ni Biden.

Matatandaan na dahil sa mga isyu sa kalusugan ay patuloy pang lumalakas ang mga panawagan na tuluyan ng umatras si Biden sa papalapit na US Presidential elections kung saan makakatunggali nito ang Republican na si Donald Trump.