LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahigit 700 ang naitalang kaso ng coronavirus sa Bicol region.

Sa huling datos ng DOH CHD- Bicol, muling nakapagtala ng 22 panibagong kaso ng sakit sa rehiyon.

Dahil dito umakyat na sa 709 ang kabuuang kaso ng nakakahawang sakit sa Bicol habang nasa 402 ang active cases.

Sa nasabing bilang siyam dito ang mula sa Masbate (4 Cataingan, 2 Mobo, 1 Pio V. Corpuz, 1 Milagros, 1 Uson), pito sa Albay (Legazpi City), dalawa sa Sorsogon (1 Donsol, 1 Bulan), tatlo sa Naga City, at isa sa Camarines Sur (San Fernando).

Patuloy naman ang panawagan ng ahensya sa publiko na striktong sumunod sa mga ipinapatupad na health protocols.