LEGAZPI CITY-Tinambangan ang convoy ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM Prime MInister Abdulraof Sammy Gambar Macacua sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Isang Toyota Land Cruiser at isang Toyota Fortuner, na sinasabing bahagi ng convoy, ang natagpuan sa loob ng Bangsamoro Government Center sa Cotabato City at nagtamo ng mga tama ng bala.
Batay sa inisyal na impormasyon, ligtas si Prime Miniter Macacua at ang kanyang mga kasama mula sa insidente.
Kinumpirma rin ng isang malapit na security personnel ng Prime Minister ang kanyang kalagayan.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang buong detalye ng insidente, kabilang ang eksaktong lokasyon, sanhi at mga nasa likod ng umano’y pamamaril.





