Senate impeachment trial

LEGAZPI CITY- Nagpahayag ng pagkadismaya ang isang Constitutional law expert dahil sa umano’y palayo na ng palayo ang Senado sa orihinal na disenyo ng impeachment mechanism.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na inaabuso ng mga senador at ng lahat ng mga sangkot sa impeachment trial ang proseso na idinisenyo ng Saligang Batas.

Tasahang nitong sinabi na ‘binaboy’ na umano ang impeachment process.

Paliwanag ni Yusingco na hindi umaasta bilang husgado ang maraming senator-judges kundi umaasta ang mga ito bilang advocates na mayroong sariling pakay.

Tila naghahanap umano ng ebidensya ang ilan sa mga ito para sa kanilang pangsariling pakay.

Iginiit nito na ang mandato ng mga senator-judges ay maupo, makinig, timbangin ang ebidensya, at kung may katanungan ay dapat na para sa paglilinaw lamant at hindi dapat utusan ang panig ng prosekusyon at depensa sa kanilang trabaho.