Transport groups in Albay
Transport groups in Albay

LEGAZPI CITY—Naniniwala ang isang commuters group na dapat tanggalin o suspindihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa halip na itaas ang presyo nito.

Ayon kay Commuters of the Philippines Chairman Julius Dalay, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, pabor sila sa pag-alis ng excise tax para sa public utility vehicles sa bansa dahil hindi ito aniya makatarungan sa kadahilanang pag-abot ng oras ay ipapasa ng PUV operators ang excise tax sa mga commuter.

Nanawagan din ang grupo sa gobyerno na pag-aralan ang pagsuspinde o sa mga susunod ay magkaroon ng batas upang amyendahan ang excise tax ng petrolyo para sa pampublikong transportasyon.

Ito ay dahil aniya sa hindi isang kagustuhan kundi isang pangangailangan ang pagkakaroon o access sa pampublikong transportasyon.

Samantala, kasunod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, sinabi ni Dalay na bukod sa paglipat ng iilan sa pag-commute na maaaring maging hamon sa public transport system, ay mayroon ding pangamba sa pagtaas ng presyo ng mga bagay na may kaugnayan sa petrolyo katulad ng mga bilihin at kuryente sa bansa.