LEGAZPI CITY- Nakapagpatayo na ang Bureau of Fire Protection-Tabaco ng community party sa isa sa mga evacution centers sa lungsod bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay BFP Bicol information officer SInsp. Edgar Tañajura Jr, ang nabanggit na programa ay kagaya ng naging inisyatibo ng mga komunidad na pagbibigay ng mga donasyon ayon sa kakayahan at kumukuha ng naaayon naman sa pangangailan noong kasagsagan pandemya.
Ayon sa opisyal, ang community pantry ay inilunsad dahil sa paniniwala na maliban sa mga ayuda o asistensyang karaniwang natatanggap ng mga evacuees, kailangan rin ng mga residente ng iba pang mga suplay kagaya ng itlog, bigas at iba’t-ibang mga uri ng masusustansyang mga gulay.
Kahapon nang magsimula ang unang araw ng community pantry at umaasa si Tañajura na may mga susunod pang operasyon, kung kaya’t aantayin muna ang ilan pang karagdagag mga supplies upang maipagpatuloy at mapalawak pa ang operasyon, maging sa iba pang mga evacuation centers.
Samantala, maliban sa mga food items, nagsimula na ring mamigay ang tauhan ng BFP ng mga ‘used-clothes’ mula sa mga in-kind donations.
Dahil dito, nanawawagan pa ang opisyal sa ilan pang mga residenteng nais na magbigay o magpaabot ng mga hindi na nila ginagamit na mga damit na i-donate na lamang sa community pantry nang sa gayon ay marami pang Mayon evacuees ang makinabang.