LEGAZPI CITY – Plano ng Comission on Elections na maglunsad ng online voting sa susunod na eleksyon upang makaboto ang mga Pilipino na nasa ibang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay John Rex Laudiangco ang tagapagsalita ng Comission on Elections, umaabot na sa 15 milyon na botanteng Pilipino ang nagtatrabaho o nakatira ngayon sa ibang bansa na patuloy na bumoboto sa Pilipinas.
Ito ang target na maserbisyohan ng online voting upang hindi na kailangan pa na umuwi sa kanilang mga lugar para lamang makaboto.
Ayon kay Laudianco, nagsasagawa na ngayon ng bidding ang komisyon para sa magiging supplier ng mga kagamitan at system na gagamitin sa online voting.
Tiniyak naman ng opisyal na kahit na online ay wala pa ring mangyayaring dayaan at mapapangalagaan ang boto ng mga Pilipino.