LEGAZPI CITY- Nilinaw ng Commission on Election na Temporary Restraining Order lamang ang ipinataw ng Supreme Court sa diskwalipikasyon ng kandidatura ni dating Albay Governor Noel Rosal at hindi Resolution of the Merit.

Matatandaang kahapon ay nagpalabas ng Temporary Restraining Order ang Supreme Court para sa dating gobernador kaugnay ng pagtakbo nito sa kaparehong posisyon sa 2025 National and Local Election.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ipinag-utos ng Korte na isama ang kanyang pangalan sa balota dahil nakabinbin pa lamang at wala pang hatol ang kanyang kaso.

May pagkakataon pa rin ang kabilang panig o partido para isumite ang kanilang mga ebidensya upang maging basehan ng korte sa pagbawi sa iginawad na TRO.

Apektado na din diumano ang lahat na pangalan sa balota dahil sa paglalagay ng pangalan ni Francis Leo Marcos na mag-kakandidato sa pagka senador gayundin ang pagsama sa pangalan ni Rosal.

Sinabi pa ng opisyal na mula pa ng maipalabas an mga naunang TRO sa ibang mga aspirante, nagsagawa na sila ng revision at ammendmet sa kanilang Election Management System kun kaya’t uulitin na lang nila ang kanilang Candidates Data Base at pagdagdag sa mga pangalan hanggang sa pag imprinta ng lahat ng balota.

Aminado naman si Laudiangco na hindi na nila pwedeng i-delay pa ang pag-imprenta ng balota hanggang sa ikalawang linggo ng Abril sa kadahilanang babasahin pa umano ito ng makinang gagamitin sa botohan.