LEGAZPI CITY – Ikinagulat ng Commission on Elections ang naging resulta ng unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Eelctions 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commission on Elections spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, hindi inaasahan na marami ang maghahain ng Certificate of Candidacy sa unang araw pa lamang.

Aniya, kumpara noong mga nakaraang taon ay sa huling araw na ng filing ng candidacy dumadagsa ang mga kakandidato.

Sinabi pa nito na tinatayang hindi bababa sa 1,000 ang naghain sa bawat munisipyo at lungsod sa buong bansa.

Sa katunayan, hindi na nasunod ang cut-off na alas-5:00 ng hapon at mayroong mga inabutan ng gabi upang lahat ay ma-accommodate ang mga nakapilang aspirante.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ni Laudiangco sa mga election officers na nagtrabaho overtime kahit walang kautusan.

Samantala, isinalarawan nito na mapayapa ang unang araw ng filing ng cadidacy sa tulong ng mga awtoridad at kooperasyon ng mga kakandidato.

Paalala na lamang ng opisyal sa mga maghahain pa ng Certificate of Candiday sa mga susunod na araw na tiyaking kumpleto ang lahat ng kinakailang dokumento upang hindi masayang ang pagod.

Bahagi ng pahayag ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco