The Commission on Elections (Comelec) has insisted that they are unable to comply with the four-day work week implemented as part of the government's energy conservation measures.

LEGAZPI CITY – Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila kayang sumunod sa ipinatutupad na four-day work week na parte ng energy conservation measures ng Pamahalaan.

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi nila ito maipapatupad dahil sa patuloy na voters registration para sa sunod-sunod na halalan tulad ng Bangsamoro Parliament election at Sangguniang Kabataan and Barangay Elections na parehong gaganapin ngayong taon.

Ayon sa kanila, ayaw nilang sayangin ang pagkakataon ng mga mamamayan na samantalahin ang kanilang inisyatiba na magparehistro at mag-update ng voters information na isinasagawa tuwing Lunes hanggang Sabado.

Binigyang-diin din niya na bukod sa magkakasunod na halalan, nagsasagawa rin sila ng monitoring, training, pag-iimprenta ng mga balota, at paghahanda ng mga kagamitang at lahat umano ito ay nakalagay na sa kanilang timeline na maaaring masira kung ipapatupad nila ang nasabing hakbang ng gobyerno.

Gayunpaman, itinuro ng opisyal na sa kabila ng hindi maipapatupad ng kanilang komisyon ang four-day work week, gumagawa rin sila ng mga hakbang upang makatipid sa pagkonsumo ng enerhiya at gasolina na epektibo sa kanilang mga regional offices sa buong bansa batay sa kautusan ng Department of Energy.

Dagdag pa ni Laudiangco, makakatipid din ang mga residente sa gasolina dahil pumupunta na ang Comelec sa mga barangay para magsagawa ng satellite voters registration upang magkaroon sila ng karapatang pumili ng mga ibobotong pinuno ng bansa.