Albay Governor Noel Rosal

LEGAZPI CITY- Pinawi ni Albay Governor Noel Rosal ang pangamba ng mga tagasuporta nito matapos magpalabas ang Comelec First Division ng pasya sa petisyon laban sa Certificate of Candidacy ng gobernador.

Ayon kay Rosal na hindi pa executory ang naturang pasya lalo pa at una nang nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema.

Matatandaan na batay sa pasya ng Comelec ay denied due course/cancelled ang kandidatura ng opisyal noong 2025 National and Local Elections kaya maituturing umanong walang bisa ang lahat ng boto na nakuha nito.

Sa kasalukuyan ay wala pang ibinababang certificate of finality ang komisyon.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na ma-dismiss si Rosal sa posisyon ng pagka-gobernador ng Albay.