LEGAZPI CITY- Gumawa ng gimik ang Commission on Elections (COMELEC) Bicol upang makapanghikayat ng mga magpaparehistrong botante para sa 2022 elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay COMELEC Bicol Director Ma. Juana Valeza, ilang opisina ng ahensya ang namimigay ng mga freebies tulad ng bracelet, hairpin, wallet, facemask, undies, cologne at wipes.

Maliban pa dito nag-aalok rin ng libreng gupit ang mga tanggapan sa mauunang 10 hanggang 20 botante sa pila ng mga magpaparehistro.

Ayon kay Valeza, nanggaling mismo sa bulsa ng mga election officials ang ginamit na pera sa naturang hakbang sa kagustuhan na makapagbigay ng kasiyahan at pasasalamat sa mga bagong registered voters.

Hinihikayat naman nito ang publiko na samantalahin na ang freebies dahil hanggang bukas na lamang ito.

Bahagi ang naturang hakbang ng pagdiriwang ng Womens’s Month ngayong buwan kung kaya karamihan sa mga ipinamimigay na freebies ay para sa mga kababaihan.

No description available.
PHOTO COURTESY: COMELEC BICOL