LEGAZPI CITY – Nakikipagpulong na ang Comission on Election (COMELEC) Bicol sa Department of Education (DepEd) para sa pagbuo ng electoral board na magsisilbi sa halalan sa susunod na taon.
Nag-iikot narin ang mga Election officers sa mga public schools na magiging voting centers upang masiguro ang kahandaan ng mga pasilidad.
Ayon kay Comelec Bicol Director Atty. Maria Juana Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na marami ng preparasyon ang ginagawa ng ahensya ngunit on track parin ito bago ang 2025 National and Local election.
Naipasa narin ang mga quarterly report maging ang pagbili ng mga gamit na kinakailangan para sa halalan ay ginagawa narin.
Dagdag pa ni Valeza na sa mga susunod na mga buwan ay pupunta ang Comelec sa mga barangay sa kada munisipyo para magsagawa ng mga road show.
Dito ipapakita ang bagong makinarya na gagamitin para sa automated election galing sa kompayang Miru mula pa sa South Korea.
Samantala, nagpa-alala ang comelec na nagpapatuloy ang voters registration na magtatapos sa September 30.