LEGAZPI CITY-Patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng mga personnel ng Coast Guard District Bicol sa mga pantalan sa rehiyon lalo na sa mga na-stranded na pasahero.


Ayon kay Coast Guard District Bicol Public Information Officer Coast Guard Ensign Alyzza Novie Bermal, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na base sa kanilang inisyal na data, nasa 6, 473 ang naitala na mga stranded passengers, 1, 662 rolling cargoes, 5 vessel at 2 motorbancas sa buong Bicol Region.


Nagbukas na rin ang ilang station kabilang an Albay Station, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon kaya asahan umano na mababawasan na ang mga bilang ng stranded na pasahero.


Bagamat may naitalang malakas na alon, pinayagan nang maglayag ang mga malalaking bangka.


Patuloy rin ang asistensya ng ahensya sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga na-stranded na pasahero.


Dagdag pa ng opisyal na nakatutok sila sa pagbibigay ng tulong sa Matnog port, kung saan may pinakamaraming stranded passengers na umabot sa 4, 000 na indibidwal.


Paalala ng ahensya sa publiko lalo na sa mga sea passengers, na tumutok sa mga ipinapalabas na impormasyon ng ahensya tungkol sa mga sea travel advisory at sa lagay ng panahon sa rehiyon.