LEGAZPI CITY—Nakahanda na ang mga naka-standby deployable personnel ng Coast Guard Catanduanes na magbantay sa mga pantalan at sementeryo upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong Undas.
Ayon kay Coast Guard Station Catanduanes Commander Lieutenant Kees Villanueva, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, binubuo ng iba’t ibang ahensya ang naka-deploy sa pantalan ng probinsya upang magbigay ng asistensya sa mga biyahero.
Dagdag pa ni Villanueva na mayroon din silang mga naka-standby na tauhan upang bantayan ang mga public at private pools and resorts sa naturang probinsya.
Nagbabala rin ito sa mga biyahero na maging mapagmatyag sa kapaligiran at iwasan ang pagdadala ng maraming bagahe.
Pinapaalalahanan din ng kanilang opisina ang publiko na iwasan ang pagdala ng mga ilegal na gamit tulad ng alak, ilegal na droga, gamit pang-sugal, maging ang mga loud speaker at matutulis na bagay na maaaring magdulot ng kaguluhan sa loob ng sementeryo.
Aniya, maaari rin silang makipag-ugnayan sa kanila kung sakaling may mga concern tungkol sa pag-obserba ng Undas ngayong taon.











