LEGAZPI CITY- Naramdaman ang pagyanig sa lalawigan ng Masbate nitong umaga lamang.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na tumama sa bayan ng Claveria ang magnitude 4.9 na lindol.

Naramdaman ito bandang alas-9:22 ng umaga.

May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang Instrumental Intensity II sa Masbate City at Intensity I sa Legazpi City sa Albay.

Kaugnay nito ay wala namang inaasahang anumang pinsala o aftershocks.