China taxes condoms and contraceptive drugs

Nagpataw ang China ng 13% na value-added tax sa condom at iba pang contraceptive pills, sa gitna ng mababang birth rate sa bansa.

Dahil dito ay tuluyan ng naanggal ang tatlong dekadang tax exemption sa contraceptive drugs.

Matatandaan kasi na sa ikatlong magkakasunod na taon noong 2024 ay patuloy na bumababa ang populasyon sa China kung saan nagbabala ang mga eksperto na maaring magpatuloy pa ito.

Una na kasing ipinatupad sa bansa ang one-child policy noong 1980 hanggang 2015.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang mataas na gastusin sa edukasyon at kawalan ng kasiguraduhan sa habapbuhay kasabay ng mabagal na ekonomiya ang ilan sa mga dahilan kaya maraming Chinese ang nawalan ng interes sa pagpapakasal at pagsisimula ng pamilya.