Inihayag ni dating US defense attaché Ray Powell na muling hinarang ng China Coast Guard ang mga barko ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon sa naturang maritime expert na nasa anim na mga barko rin ng Chinese maritime militia ang bumuntot sa barko ng Pilipinas.

Hinarang ng mga ito ang BRP Cabra at BRP Cape Engano sa silangan ng Ayungin Shoal.

Batay sa isang post ni Powel, sinabi nito na nag-transmit ng automatic identification signals ang Philippine Coast Guard, na rason upang mag-dispatch ng dagdag na militia vessels ang China.

Sa kabila ng mga pagkondena ng ilang mga bansa sa aksyon ng China sa naturang teritoryo ay hindi ito tumitigil sa ginagawang harassment sa tropa ng Pilipinas sa mismong loob ng exclusive economic zone ng bansa.