LEGAZPI CITY- Siniguro ng Coast Guard Substation Matnog-Sorsogon na magiging ligtas ang mga na-stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa masamang panahon na dala ng Bagyong Ursula.

Ayon kay Coast Guard Matnog-Sorsogon substation commander Chief Petty Officer (CPO) Nelson Jazo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sa huling datos lumubo sa mahigit 8, 000 na volume ng mga nastranded passengers ang naitala sa mga pantalan na nagmula sa bayan ng Bulan, Pilar at Matnog.

Dito anya kasi dumadaan an mga pasaherong patungong Visayas at Mindanao. Katulong naman anya nila ang Local Government Unit (LGU), Port Police at mga Militar sa pagbibigay ng tulong sa mga stranded passengers.

Binigyan diin ni Jazo na 24 hours ang kanilang monitoring at paglilibot sa mga pantalan para masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Nagbabala naman ito sa mga nagbabalak pang bumyahe na huwang ng magtulos at ipagliban na lang para hindi na sila makadagdag pa sa mga nastranded na pasahero..