LEGAZPI CITY- Nag-mobilize na ng mga tauhan ang Camalig local government unit sa ilang barangay sa naturang bayan upang beripikahin ang impormasyon na may namataan na isang aircraft sa Barangay Bantonan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Camalig LGU spokesperson Tim Florece, sinabi nito na kinukumpirma ngayon kung ito nga ang nawawalang Aircraft C340 private plane na mula sa Bicol International Airport.

Ayon sa opisyal, nag-deploy na rin ng mga tauhan sa ilan pang upland barangay na posibleng dinaanan nito bago mawala.

Nakilala ang piloto ng Cessna 340 na si Capt. Rufino James Crisostomo Jr. kasama ang crew nito na si Joel Martin sakay ang dalawang Australian citizens.

Nanawagan rin sa publiko si Florece na iwasan ang pagpapalabas ng hindi birepekadong impormasyon upang hindi magdulot ng pangamba sa publiko.