Muling isusulong sa Cairo, Egypt ang ceasefire sa Gaza at pagpapalaya sa mga bihag.

Ito ay sa gitn ng mas lumalalang kaguluhan sa pagitan ng Hamas at Israel na nagdudulot ng matinding epekto sa mga residente ng Gaza, kasama na ang malnutrisyon.

Sa kasalukuyan kasi ay patuloy ang ginagawang mga military strikes ng Israel na nagresulta sa pagkamatay ng maraming Palestinian.

Dumating naman ang delegasyon ng Hamas upang pag-aralan ang proposal sa tulong ng pagpapagitna ng mga opisyal mula sa Egypt, Qatar at Estados Unidos.

Inaasahan naman na dadalo sa pag-uusap si Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani.

Sa nakalipas na mga buwan kasi ay hindi nagtatagumpay ang isinusulong na ceasefire dahil sa walang patid na pagsalakay ng Israeli forces.