LEGAZPI CITY- Naging matagumpay ang pagtatapos ng Palarong Panlalawigan sa Catanduanes.

Ayon kay Catanduanes Schools Division Sports Coordinator Fidel Vegim sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hinihintay na lamang ngayon ang ulat sa ilang mga sporting event upang madetermina kung aling bayan ang nangibabaw.

Nabatid na nasa 3,000 na mga delegado ang nakilahok sa naturang sporting event.

Mula ang mga ito sa 11 bayan na nagpatagisan sa iba’t ibang mga laro.

Ayon pa kay Vegim na agad na sisimulan ng mga atleta ang training bilang paghahanda naman sa Palarong Bicol na nakatakdang gawin sa susunod na buwan.

Paliwanag ng opisyal na nais nilang umangat ang ranking ng lalawigan ng Catanduanes para sa papalapit na Bicol meet.