LEGAZPI CITY- Nakapagtala na ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa ilang bahagi ng rehiyong Bicol kaugnay ng epekto ng bagyong Ramil.
Ayon kay Catanduanes Governor Patrick Azanza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kanilang ang ilang mga residente ng Catanduanes sa mga kasalukuyang stranded sa Tabaco port sa Albay.
Ito matapos hindi na payahang maglayag ang mga sasakyang pandagat dahil sa nakataas na tropical cyclone wind signal sa naturang mga lalawigan.
Dahil dito, siniguro ng gobernador na naghahanda na ang pamahalaang panlalawigan ng mga ipapamahaging ayuda sa mga stranded na pasahero.
Dagdag pa ni Azanza na nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na opisyal sa Tabaco upang makapaghanda kung kailangang ilikas ang mga stranded na pasahero sa Tabaco port.
Samantala, pinasisiguro rin ng opisyal na hindi na maglayag ang mga mangingisda upang maiwasan ang anumang aksidente sa karagatan.