Catanduanes PPO
Catanduanes PPO

LEGAZPI CITY- Humingi na ng asistensya ang mga kapulisan ng Catanduanes sa mga force multipliers upang masiguro ang katahimikan sa island province ngayong Semana Santa.

Nabatid na tinatayang nasa 450 na mga kapulisan ang nakalatag sa buong lalawigan.

Nasa 200 naman ang force multipliers na naka deploy sa mga pantalan, mga simbahan at iba pang matataong lugar.

Ayon kay Catanduanes Police Provincial Office Spokesperson Lt. Col. Rosalinda Gaston sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa kada municipal police stations ay sinisigurong may police visibility sa mga matataong lugar.

Paliwanag ng opisyal na tuwing Semana Santa at summer vacation ay karaniwang dinadayo ang mga simbahan at mga resorts.

Nagpaalala naman si Gaston sa publiko na ugaliin ang pagdadala ng tubig at payong lalo pa na isa ang lalawigan sa mga karaniwang nakakapagtala ng mataas na heat index.

Dagdag pa ng opisyal na nakipag usap na rin sila sa mga resort owners na maglatag ng lifeguards dahil sa inaasahang buhos ng mga turista.