LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes ngayong alas-5: 19 ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na sentro ng naturang pagyanig ang bayan ng Bagamanoc.

May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman rin ang Instrumental Intensity IV sa Virac, Catanduanes.

Ayon sa ahensya, inaasahan ang pagkakaroon ng mga aftershocks.

Samantala, maliban sa Catanduanes ay naramdaman rin ang pagyanig sa ilan pang lalawigan sa Bicol region.