Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes alas-2:04 kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 31 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 51 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Panganiban.
Samantala naitala naman ang ang Instrumental Intensity II sa Legazpi City.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan ang mga aftershocks anumang oras.
Wala namang naiulat na nasugatan o pinsala dahil sa naturang pagyanig habang isinusulat ang artikulo.